DAHIL limitado ang private room sa pampublikong ospital na iyon ay sa isang male ward muna inilagay si Calyx para roon i-confine at obserbahan. “Kayo po ba ang pamilya ng pasyente? Heto po ang reseta ng mga gamot. Kailangang mabili ito agad para maiwasang maimpeksiyon ang sugat niya.” Iniabot sa akin ng nurse ang reseta ng mga gamot na dapat bilhin para kay Calyx. “Ako na ang bibili nito, nurse.” Kinuha ni Matthew sa kamay ko ang reseta. Nilingon ko siya pero, kagaya kanina ay hindi niya man lang ako tinitingnan. Tinitiis ko nga lang muna ang malamig na pagtrato niya sa akin. Hihintayin kong magising si Calyx para maliwanagan si Matthew sa totoong nangyari. Hindi na ako umangal at hinayaan na si Matthew na umalis para sundin ng bilin ng nurse. Naiwan ako sa ward at siyang nagbantay