MAG-AALAS kwatro ng madaling-araw nang dumating si Matthew. Gising na gising ako. Kaya alam ko na halos isang oras pa lang ang nakakaraan mula nang umalis si Kevin sa aming bahay. Galing sila pareho ni Ate Candy sa itaas. At hindi ko mapigilang masuklam dahil sa pambababoy nila sa pamamahay namin. Mainit na yakap ang salubong namin ni Matthew sa isa’t isa. Masaya lang dapat ako dahil nakabalik na siya pero, kasabay ng saya, naroon ang takot ko sa posibleng iisipin niya kapag nakita niya ang video na hawak ni Ate Candy. Pumanhik kami sa aming kwarto dala ang unan at kumot ko at ang luggage niya. Sinabihan ko siya na matulog muna pero, tumanggi siya. Magkayakap kaming nahiga, parehong walang masabi sa isa’t isa. Kung tutuusin ay sapat na iyon sa akin pero, alam ko sa sarili ko na kaya ak