PAGKAUBOS ni Calyx ng juice ay nagpaalam na rin siya. Inihatid ko siya hanggang sa terasa pero, bago tuluyang umalis ay nilingon ulit niya ako. “Gigi… siguro h’wag mo na lang banggitin kay Matthew na alam mo na ang tungkol sa Last Will niya. Kalimutan mo na lang siguro na sinabi ko.” Nagusot ang noo ko. “Bakit? Ikakagalit ba niyang malaman na alam ko? Kung gano’n, bakit mo pa sinabi sa akin?” “Wala talaga akong planong sabihin sa’yo. Nabuksan kasi ang topic tungkol kay Lolo kaya nagtuloy-tuloy na ako sa pagkukwento. I didn’t plan to tell you and it’s not in my intention to make you feel guilty for what happened to Lolo.” “Pero iyon mismo ang nararamdaman ko, Calyx,” pag-amin ko. “Kaya imposibleng makalimutan ko ang sinabi mo.” “I see. But you don’t have to talk about it with Matthew.