NAGKAROON ng mild heart attack na may kasamang hyperventilation si Don Hernando. Walang iba pang detalye na sinabi si Matthew pero, sa sumunod na dalawang araw ay pabalik-balik siya mula Irosin hanggang sa Sorsogon City kung saan naroon ang ospital na pinagdalhan sa kaniyang Lolo. Ramdam ko ang pag-aalala ang aking asawa hindi man siya magsalita. Kaya kahit mas maraming oras ang ginugugol niya para sa may sakit na Lolo ay iniintindi ko na lang. At kahit alam kong tutol sa pagpapakasal namin si Don Hernando, dalangin ko rin na gumaling agad ito. “Matanda na naman kasi si Don Hernando. Hindi na nakakapagtaka na kung ano-ano nang nararamdaman niya,” komento ni Ate Candy pagkatapos naming mag-usap ni Matthew sa cellphone. Narinig kasi nito na kinumusta ko kay Matthew ang kalagayan ng Lolo