NAGULAT ako nang paglabas ko ng school ay may humawak sa aking braso. Mabilis kong nilingon ang may-ari ng kamay at agad napangiti nang makilala siya. “Ate Rosa! Ikaw pala ‘yan, nakakagulat ka naman!” “Pasensiya na, Gigi kung nagulat ka. Kabilin-bilinan kasi ni Attorney na antabayanan na kita sa paglabas at baka hindi tayo magkita. Pinasusundo ka sa akin ng asawa mo.” “Ano po?” Lalo akong nagulat sa sinabi niya. “Tinawagan ako kanina ni Attorney at pinaghanap ng maaarkilang sasakyan para sunduin ka dahil hindi ka raw niya masusundo.” Bahagyang nalaglag ang balikat ko bagaman alam ko nang ganoon nga. “Opo, Ate, alam ko naman na hindi siya makakasundo sa akin. Pero kaya ko naman pong umuwi na mag-isa. Iyon ang sabi ko sa kaniya kanina nang tawagan niya ako. Naabala pa tuloy kayo?” “H’w