EXACTLY ten years ago, nangarap akong pansinin ng pinakagwapong lalakeng nakita ko sa buong buhay ko. Mula nang masilayan ko ang kaniyang mukha, naging laman na siya parati ng diary ko. The words in it are so pure and innocent. Walang ibang mababasa roon kundi mga papuri at admirasyon para sa binatang apo ng may-ari ng hacienda kung saan kami nakatira at naninilbihan naman ang aking ama. Sa murang edad ko ay alam kong matayog ang lalakeng pinapangarap ko, pero s’abi nga ng matatanda- libre lang ang mangarap. “Gigi!” Napatayo ako sa kinauupuan nang marinig ko ang sigaw na iyon ni Tita Donna. Agad ang pagragasa ng aking kaba nang samsamin ang notebook at ballpen bago umalis sa kinaroroonan at takbuhin ang pabalik sa aming bahay. Iniisip ko na agad kung ano bang nagawa ko at parang galit n