(GIGI) HINUBAD ko ang puting dress na isinuot ko sa kasal namin ni Senyorito Matthew. Gawa sa lace ang mahaba nitong manggas kaya ingat na ingat talaga ako sa paghugot sa aking mga braso. Nang mahubad ko na ang dress sa katawan ko ay sandali na naman akong natulala. Parang hindi pa rin ako makapaniwala na kasal na ako. Parang panaginip lang ang mga nangyari kanina. Nahiga ako at pumikit. Hinayaan ko ang sarili kong alalahanin ang maikli subalit sinserong seremonya ng kasal. Inalala ko rin ang halik sa akin kanina ni Senyorito Matthew. Asawa ko na nga siya. Asawa ko na ang lalakeng dati ay isinusulat ko lang ang pangalan sa aking school diary. Asawa ko na ang lalakeng dati ay tinatanaw at pinapangarap ko lang na makita parati. Hindi ko namalayan na sa pag-iisip ay nakatulog pala ako. Na