“PINSAN? Bakit pinsan? You’re marrying Gigi but, you introduced her as your cousin? Pare, parang ang labo yata ng ginawa mo!” Nagpatuloy lang ako sa pag-inom at hindi sumagot. Pagkatapos maghapunan kanina ay iniwan ko ulit si Gigi sa rest house upang magtungo sa bahay ni Victor. I remembered that I was talking about the date of my wedding to him. Hiniling ko kay Victor na mag-witness siya sa kasal at pumayag naman siya. Hindi ko alam kung bakit sa pag-uusap namin ay nabanggit ko rito ang tungkol sa bagay na ‘yon. “What are you trying to do, Matt? Bakit gano’n mo ipinakilala sa mga tao si Gigi?” “I'm just protecting her. Alam mo naman ang ilang tao, mapanghusga.” “Si Gigi ba talaga ang pinoprotektahan mo o ang sarili mo?” Nagsalubong ang mga kilay ko at nilingon si Victor. “What are y