MADALING-ARAW na pero, mulat pa rin ako. Nakahiga at nakatitig ako sa madilim na kisame at sa gilid ko ay si Senyorito Matthew na nakadagan ang isang braso sa aking tiyan. Pagod at masakit ang halos buo kong katawan. Pakiramdam ko kanina ay walang balak si Senyorito Matthew na tigilan ako. Pagkatapos kasi ng unang beses niya kong angkinin ay nasundan pa ng ilan. Babago pa lang ako bumabawi ng lakas ay naroon na naman siya sa katawan ko. Alam ko sa aking sarili na hindi ko gustong ginagamit niya ako nang ganito, walang pag-iingat na parang pinarurusahan niya pero, hindi ko maintindihan kung bakit isang hawak lang ni Senyorito Matthew sa akin ay nalilimutan ko na rin kung paano ba ang tumanggi. Hindi ko sigurado kung dahil ba eksperto na siya rito kaya alam niya kung paano pasusunurin ang