PASIMPLE kong tiningnan si Senyorito Matthew. Kasalukuyan kaming naghahapunan sa rest house niya at kagaya ng mga nagdaang gabi, hindi kami halos mag-usap. Bukod sa tahimik lang siya, laman ng isip ko ang mga sinabi niya kanina. Sinisingil na niya ako sa mga utang ko at hindi ko akalain na kasal ang magiging kabayaran. Dapat ba akong matuwa na inalok ako ng kasal ng taong matagal ko nang hinahanggan? O mas dapat akong matakot dahil baka kahit kasal na kami ay hindi pa rin mawala sa gilid niya ang ibang mga babae? Ang hirap magdesisyon. Paanong ang isang gaya niya ay gugustuhing pakasalan ang gaya ko? Iyon ba talaga ang naisip niyang kapalit ng pagpapalaya niya sa akin? O dahil alam lang niyang wala siyang masisingil kaya sa ganito na lang niya idadaan? Nalalabuan ako. Isang tikhim ang