“SENYORITO, hindi mo po ba sasabihin sa akin kung ano ang nangyari sa kaso ko?” tanong ni Gigi nang nasa biyahe na kami. Buong akala ko ay hindi niya ako kakausapin dahil halatang nainis siya nang bigla akong magdesisyon na isama siya pag-uwi sa Sta. Magdalena. “Anong gusto mong malaman? Hindi pa ba sapat na abswelto ka na?” tanong ko pabalik, gamit ang normal na tono sa tuwing kakausapin ko siya. “Hindi naman sa gano’n, Senyorito. Gusto ko lang po talagang malaman kung ano po ang ginawa n’yo.” “Kinausap ko ang abogado ng PAO. I reviewed the case against you. Nakita kong hindi sapat ang ebidensiya ng prosecution kaya hiniling ko sa korte na i-dismiss ang kaso.” Sinulyapan ko siya. “I can’t go in details for now, Gigi, but trust me. Hindi ka na nila ibabalik sa bilangguan.” Isang banay