Two years later... "BAKLA, I'm getting married!" masayang-masaya na pagbabalita ni Kan kay Ogie nang bumisita ito sa bahay nila dahil kadarating lang nito galing Las Vegas, sabay pakita ng kaniyang daliri na may suot na engagement ring. Pero kung gaano siya kasaya ay ganoon naman ka-plain lang ang reaksiyon ng kaibigan. "Bakit? Matagal ka naman nang kasal, ah. Kay Nic—" "Ikakasal na kami ni Junfeng baka next month na," agad niyang putol sa sasabihin nito bago pa nito mabigkas nang buo ang pangalan na matagal na niyang binura sa isipan. "Kaya tamang-tama ang uwi mo. Kukunin kitang Ninang," biro niya rito. "I'm not interested. Kahit kunin mo pa akong maid of honor." Umismid si Ogie. "Hinding-hindi ako pupunta sa wedding mo. Unless, si Nic—" "Ang sama mo!" putol uli niya sa sasabihin nit