"HI, Tita Danda! Papatok ka na po ta woke?" Napahinto sa paghakbang palabas ng bahay si Kan nang marinig niya ang bulol at munting boses na iyon. Mariin siyang napapikit at isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan muna niya bago lumingon dito. Bagaman at may matamis na ngiti na ang nakahanda sa mga labi niya. "Yes, baby Nicole. Papasok muna sa work si Tita Kan, ha? Tomorrow morning na lang uli tayo magpi-play." Lumuhod siya sa sahig upang magpantay ang mukha nila ng batang babae na mahigit isang taong gulang ang edad. "Si Mommy Annie muna ang playmate mo while nasa work si Tita Kan, okay?" Nakangiting tumango lang si Baby Nicole. "Buy me ayt cleam po, tita, pleate? Itlawbelly at chotolate po, ha? Look po, o? Wala na po akong tipon," anito at suminghot pa para ipakita sa kaniya n