"Ano ang ginagawa mo rito, Nicolas?" malakas na sigaw uli ni Kan. Hindi pa rin siya nakakabawi sa pagkabigla. Nanlalaki pa rin ang mga mata niya na nakatingin dito. Gayon pa man ay sinikap ni Kan na huwag tumingin sa ibabang parte ng katawan nito. Bagaman at ang bilis-bilis ng t***k ng puso niya habang nakatingin sa mukha nito. Marahang natawa si Nicolas pagkatapos nitong mapakurap. "This is my friend's condo unit. Baka ikaw ang dapat na tanungin ko kung ano ang ginagawa mo rito?" Amusement filled his dark brown eyes. "Sinusundan mo ba ako?" "At bakit naman kita susundan?" napipikon na tili ni Kan. "Ni hindi ko nga alam na nandito ka pala, eh. Dahil kung alam ko lang, hinding-hindi ako sasama rito kay Reese." Isang malapad na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Nicolas. Hindi naman napigi