Pakiramdam ni Kan ay para siyang matutunaw sa hiya sa tuwing naalala niya kung paano niya pinigilan sa braso si Lola Ichika at iniharang ang sarili sa anak habang tinitingnan niya ngayon kung gaano kagiliw ang dalawang matanda kay Baby Nicole. Akala kasi talaga niya ay sasaktan nito ang anak nila ni Nicolas. Muntik pa nga niya itong maitulak nang hinawakan nito sa braso si Baby Nicole. Pero nagulat si Kan nang bigla na lang itong niyakap ni Baby Nicole na para bang kakilala nito. Iyon pala ay ilang beses na raw ipinakilala nina Mama Jeany at Papa Nicolo ang picture nina Lola Ichika at Lolo Henry sa anak niya. Ngunit ang mas ikinagulat ni Kan ay nang makita niya na hindi naman pala ito sasaktan ng Lola ni Nicolas. Sa halip ay niyakap pa nito pagkatapos siguraduhin na apo nga nito ang bata

