"Look what you did, Nicolas!" tumataginting na boses ng ama ang sumalubong sa kaniya nang sumunod siya sa loob ng kaniyang library, pagkatapos siyang i-text ni Jeanica Anne na kailangan nilang mag-usap tungkol sa nangyari sa China kagabi. Inaasahan na ni Nicolas na isa iyon sa dahilan kung bakit napasugod agad dito ang buong pamilya niya, bukod sa gustong makita at makilala ng mga ito ang kaniyang mag-ina. Kaya hindi na siya nagtataka kung galit na galit ngayon ang Papa Nicolo niya samantalang napakasaya lang nila sa labas kanina. At wala siyang balak na salubungin ang galit nito dahil aminado naman siya sa pagkakamali. "Kung sinabi mo sana agad sa'kin o sa kapatid mo, o kung nakipag-ugnayan ka agad sa'min, natapos na sana kagabi sa China ang problemang ito," dagdag na sermon ni Papa