"You can't keep me here forever, Nicolas." Pinukol ni Kan ng masamang tingin ang dating asawa pagkatapos niyang labanan ang init na dulot ng pagkakayakap at paghaplos nito sa katawan niya kanina, at nakalayo rito. "And why not? Balak ko pa nga na dalhin ka sa Japan kapag bumalik ako doon, eh," he even teased. "Nicolas!" Lalong sumama ang tingin niya rito. Inalis din niya ang kamay nito na nakaakbay sa kaniya. Pagkatapos ay humarap dito. "Nababaliw ka na ba?" He frowned. "Matagal na akong nabaliw simula nang iniwan mo ako, Kan." Natigilan siya sandali sa sinabi nito. Mukhang hindi ito nagbibiro kaya naman itinikom na lang niya muna ang kaniyang bibig. At bakit naman ito mababaliw sa pagkawala niya? Eh, hindi naman talaga siya totoong asawa nito? "Iba na ang buhay ko rito at iba noon