"Hi po! Tayo po ba ang Daddy to?" "Baby Nicole..." saway ni Kan sa bata nang ulit-ulitin nito ang tanong na iyon kay Nicolas dahil walang sumagot sa tanong nito. Hindi kasi niya alam ang isasagot lalo pa at kaharap niya ang kaniyang mga magulang na tahimik lang din at naghihintay sa isasagot niya. Batid ni Kan na unang kita pa lang ng mga ito kay Nicolas ay nagdududa na ang mga ito. Si Nicolas na tahimik lang din. Bagaman at pangiti-ngiti ito kay Baby Nicole. At nang tingnan niya ito ay nakita niya na parang maluha-luha ang mga mata nito. Bakit ganoon ang reaksiyon nito nang makita ang bata? Bakit may nababasa siyang kakaibang emosyon sa mga mata nito ngayon na kaharap na nito si Baby Nicole? Kinabahan tuloy siya. Paano kung nagkamali pala siya ng desisyon noon? Paano kung masiyado la