Nang makita ni Kan mula sa bintana ang pagdating ng ama at ni Nicolas ay lumabas siya ng kuwarto at bumaba para pagbuksan ang mga ito. Baka kasi nakatulog na si Nanay Elenita. Pero gising pa pala ito nang muntik na silang magsabay sa pagbukas ng pinto. Parang excited din ang ina sa pagbabalik ng dalawa. At kahit kailan ay hindi niya nakita na ganoon ka-excite si Nanay Elenita kapag si Junfeng ang naroon. Pati nga si Tatay Intsik ay ngayon lang nakita ni Kan na masayang nakikipag-usap sa lalaking bisita niya. Kay Junfeng at sa ibang manliligaw niya noon ay parati itong pormal kung makipagharap. "Ano ba ang nangyari sa inyong dalawa at ang saya-saya n'yo?" natatawa rin na tanong ni Nanay Elenita nang hayaan ito ni Kan na magbukas ng pintuan. Unang humayon ang tingin ni Kan sa mukha ni