CHAPTER 40—TRIP TO CHINA

4108 Words

Sa nakalipas na dalawang taon ay ngayon lang uli mas gumanda nang ganoon ang gising ni Kan. Pagmulat pa lang ng mga mata ay nakangiti na siya. Ang sarap-sarap ng pakiramdam niya na hindi niya mawari. Siguro dahil sa wakas ay wala na siyang sikreto na kailangang protektahan. Balak din niya na sabihin ngayon sa kaniyang ama ang totoo tungkol sa kanila ni Nicolas. Pati na rin kay Baby Nicole, bagaman at alam niyang hindi iyon madali. Maganda rin ang gising ni Kan dahil napahimbing siya pagkatapos siyang paligayahin ni Nicolas na gamit lang ang daliri nito. Pasalamat naman siya na hindi na ito naghangad pa ng higit roon. Basta yumakap lang ito sa kaniya at tiniis na nagsiksikan sila sa kama hanggang sa makatulog sila pareho. Alam ni Kan na mali ang ginawa niyang iyon dahil kay Junfeng. Kahi

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD