CHAPTER 29—FIRST LOVER'S QUARREL

4029 Words

Pagkalabas ni Kan mula sa opisina ni Nicolas ay naabutan niya ang sekretarya nito at si Ogie na nag-uusap. "O, bakit lumabas ka na? Tapos na agad kayong kumain?" nagtatakang tanong sa kaniya ni Ogie nang makita siya nito. "Bati na kayo uli?" "Sabi ko naman sa inyo, 'di ba?" sabat naman ng sekretarya. "May bisita si Sir Nicolas kaya siguradong palalabasin ka talaga agad niyon. Ang ganda pa naman ng bisita niya. Si Ma'am Nhelyn. Girlfriend niya ata 'yon, eh. Palagi kasi 'yong tumatawag at pumupunta rito kapag nandito sa Las Vegas si Sir Nicolas," dire-diretsong sabi nito. Walang kamalay-malay sa totoong nangyayari. "Girlfriend?" Nanlaki ang mga mata ni Ogie, sabay tingin kay Kan na parang nagtatanong. Pero kibit-balikat lang ang tanging sagot niya at ipinakita rito na hindi siya apektado.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD