"Ano ba talaga ang nangyayari, my sunshine? Ano ang hindi mo na kaya?" naguguluhan na rin na tanong sa kaniya ni Nicolas habang sapo nito ang kaniyang buong mukha. Sa halip na sumagot ay napailing si Kan, sabay tanggal ng mga palad nitong nakalapat sa magkabilang pisngi niya. At saka siya umatras ng dalawang hakbang wala rito. "W-wala naman..." Hindi pala niya kaya na sumabay sa kaguluhan na nangyayari ngayon. Hindi pa rin niya kaya na dagdagan ang mga iniisip ni Nicolas. Siguradong nahihirapan na itong gumawa ng paraan para protektahan ang kanilang anak. Iyon ang nakikita niya sa asawa na kanina pa hindi mapakali kung sino pa ang tatawagan at hihingan ng tulong para lang siguruhin na hindi sila magiging tagilid sa laban. Nagdalawang isip tuloy si Kan kung pagdududahan pa ba niya ang p

