"Bakit hindi ka makapagsalita?" kalmado pa rin na tanong ni Kan kay Junfeng. Naliligayahan siyang makita kung paano ito malagay sa hot seat. "Hindi ba kayo close para kunin mo siyang groomsmaid? So kung hindi kayo close, ano ang ginagawa mo rito? Kaninong bahay 'to? At sino nga pala ang babaeng iyan? Bakit parang ang sweet n'yo?" sunod-sunod na tanong niya para lalong ilagay sa alanganin na sitwasyon ang dating nobyo, sabay tingin sa babae na masama pa rin ang tingin sa kaniya. “S-she's my..." wika ni Junfeng at tumikhim muna ng ilang beses bago pasimpleng lumayo sa kaniya. Pinagpapawisan na ito nang malapot at lalong nagkulay-suka ang mukha. Tila hindi nito alam kung kanino haharap. "What now, Junfeng?" hindi nakatiis na singhal dito ng babae. Hindi naman pala ito pure Chinese gaya niy