Kabado pa rin na pinindot ni Kan ang "accept" button para sa nire-request na video call ni Junfeng. Kaagad na lumabas ang mukha nito. Seryoso iyon kaysa sa nakagawian ni Kan na palaging nakangiti sa kaniya kahit sa video call lang. Pero hindi na niya iyon pinansin dahil kahit siya man ay hindi niya magawang ngumiti rito. Gustong-gusto na niya agad sabihin dito ang totoo dahil nagsisimula na naman siyang kainin ng konsensiya. "Hi," bati ni Junfeng sa kaniya na puno pa rin ng kaseryosohan ang mukha. Nakapagtataka na hindi ito malambing ngayon kaysa naksanayan niya. Kinabahan tuloy lalo si Kan. Posible kayang may alam na ito sa pinagagawa niya? "Where are you? Bakit parang nasa ibang room ka?" Kunot ang noo na sinipat nito ng tingin ang paligid ni Kan, sa pamamagitan ng screen ng cellphone