PUMASOK nang muli si Andrea sa loob ng court upang magpatuloy sa paglalaro. Napatingin siya sa scoreboard at napabuntong-hininga na lamang siya. Lamang na ng 30 points ang kanilang kalaban. Hindi naman siya nag-e-expect na manalo, pero magkaganoon, sa kabila ng pawis na dumadaloy sa kanyang katawan at sa pagod na kanyang nararamdaman ay pinagbubutihan niya ang paglalaro. Sandali muna niyang pinagmasdan ang entrance ng gymnasium. Muli siyang bumuntong-hininga at sinambot ang bolang ipinasa ng kanyang kakampi. "Okay lang. Baka may emergency kang inasikaso," sabi ni Andrea sa sarili at pagkatapos ay maingat siyang nag-dribble sa harapan ng mas matangkad sa kanyang defender. Nakikita niyanh lamang sa height ang kalaban. Isa pa, halos lahat sila ay pagod na. Maging siya ay nararamdaman na ni