PAGKABALIK nina Benjo sa pool na malapit sa cottage nila ay agad din nilang ipinamalita ang nalaman nila kay Ricky. Nagulat ang ilan nang marinig na kilala ni Mendez ang pinapatasya nilang si Clowie Cervantes. Ang ilan nga ay napalabas mula sa pool para kunwari'y dadaan sa kabilang pool, pero ang totoo'y titingnan lang nila ang dalaga. "Hanep ka Ricky, chickboy ka pala!" Wika ni Reynan habang lumalakad sa pool palapit sa binata. Napailing na lang si Ricky nang marinig iyon, hindi raw siya chickboy at wala raw siyang chix. Si Kier nga ay napatawa na sinundan ng tingin kay Macky na muli na namang tumalon sa pool para lumangoy. "Walang-wala sa iyo ang ace player nating takot sa babae," natatawang winika ni Kier na nakasandal sa gilid ng pool habang nakalubog ang katawan sa tubig. "May sy