ALAS-ONSE na ng gabi, ngunit hindi pa rin makatulog si Ricky. Naaalala niya ang nangyari kanina sa Cocofarm. Pakiramdam niya ay nasa labi pa rin niya ang sensasyon ng malambot na labi ni Andrea. Para siyang baliw na hindi makalimutan iyon magmula pa kanina. "Kailangang magising ako bukas nang maaga," sabi ni Ricky na ipinikit na nga lang ang mga mata. Pinilit niyang antukin kahit nahihirapan siya. Kanina nga pag-uwi niya, nag-chat pa siya sa dalaga, kaso, hindi man lang siya na-seen nito. Naisip tuloy ni Ricky na baka nahulasan na ang dalaga at nahiya na sa ginawa nito sa kanya. Pero okay lang naman sa kanya iyon. Doon ay bigla niyang naalala ang sinabi ng dalaga na ang halik na iyon ang sagot nito sa kanyang tanong kung may pag-asa ba siya rito. Kinabukasan, nagawa pa rin ni Ricky na