SA LABAS pa lamang ng CISA ay maririnig na ang malakas na cheer ng crowd mula sa loob ng maliit na paaralang ito. Kasalukuyang nagtitipon ang mga ito sa kanilang covered court. Narito rin nga ang mas nadagdagan pang bilang ng Romero's fans club na may sarili na ring uniform na kasalukuyang isinisigaw ang pangalan ni Macky Romero. Ang cheering squad ng varsity na nakasuot ng puti at may halong pula sa gilid ay kasalukuyan namang sumasayaw sa gitna ng court. Punong-puno ng paghataw at enerhiya ang mga ito. Halos wala na ngang paglagyan ang mga manonood sa magaganap na laban ng CISA at SA dahil sa mainit na suporta ng homecrowd sapagkat, bukod sa hindi na sila ang winless team-- sigurado na rin silang nakapasok sa Final 4. Ang dumating na supporters ng St. Anthony ay hindi makapaniwala sa da