NAGMINTIS ang ginawang reverse lay-up ni Ricky. Subalit sa likuran niya ay naroon si Romero na mabilis sinambot ang bola habang nasa ere ito. Bago pa man nga ito makalapag sa court ay binitawan niya rin kaagad ang bola papunta sa loob ng basket. Isang mabilis na 2-0 ang ginawa ni Romero at isang malakas na cheer ang dumagundong sa buong CISA dahil doon. Seryosong napatingin si Macky kay Mendez matapos iyon. Napakuyom siya ng kamao dahil nakita niya ang ginawa nito. Pakiramdam niya ay gumagawa ito ng mga bagay na ginagawa ng isang ace player. Alam ni Romero na maganda iyon, pero sa darating na Final 4, bawat possessions ay mahalaga kaya hindi magiging maganda kung gagawin nito iyon madalas. Magkaganoon man, isang magandang senyales iyon dahil ibig-sabihin, patuloy talaga sa pag-i-improve