RAMDAM sa bench ng CISA ang kaseryosohan pero naisip ni Reynan na bilang team captain, kailangan niyang ibalik ang competitive mode ng kanyang mga kasamahan. Pinalakpakan niya ang kanyang mga kasama at tiningnan isa-isa. "Babalik si Ricky! Isa pa! Malakas na ang team natin. Hindi lang si Ricky ang nag-improve mula noong game 1--" sambit ni Reynan at tiningnan niya ang lahat. "Lahat tayo ay nag-improve kaya ipakita natin sa kanila kung gaano tayo kalakas!" Malakas na sabi ng CISA's team captain at napangiti nang bahagya ang ilan sa mga naroon. Tumayo na si Macky at Kier. Nagbanat ng braso at minasahe ang kani-kanilang mga hita. Parang nagsasabing may ipapakita sila sa pagpapatuloy ng laro. Tumayo na rin si Rodel, malakas na ang team nila ngayon at mas lumakas pa siya kaya mas pagbubutihi