PAGKASAMBOT ni Kier sa bola ay mabilis siyang dinipensahan ni Mike Coloma. Ngumisi si Kier nang makitang dinidikitan siya nito. Mabilis siyang tumakbo pakaliwa at doon ay isang libreng espasyo ang naibigay ni Reynan sa kanya. Bumangga sa screen si Coloma, mitsa iyon upang malayang makatira ng isang two-point jumper si Kier na mas nagpaingay lalo sa crowd ng CISA. Sa paglipat ng possession sa SA ay muling hiningi ni Reynold ang bola. Doon ay mas umingay lalo ang crowd dahil isa na naman itong match-up sa pagitan ng dalawang ace player. Si Martinez, laban kay Romero. Kapwa pawisan na ang dalawa at may natitira na lamang dalawang minuto sa natitirang quarter ng laro. "Lumakas na nga ang CISA ngayon bro," wika ni Reynold na naliligo na sa pawisang suot na jersey. Pinatalbog niya ang bola a