SIMULA pa lang ng laban sa pagitan ng CU at DWCC ay naging mainit kaagad ito. Ang shooting range ni Troy Agoncillo at ng bagong player na si Xi ay tila hindi kapani-paniwala. Idagdag pa rito ang matinding depensa ni Trey na walang sinasanto kahit ang 7 footer na si Rojas. Si Ricky, napatahimik sa mga nakita. Inalala niya ang labang napanood niya dati sa DWCC. Hindi naglaro noon ang kambal na Agoncillo. Naalala rin ni Ricky ang pagdating ng dalawa kanina. Kahit tila wala siyang pakialam doon ay sa loob-loob niya ay may kung ano sa kambal na dapat paghandaan ng kalaban. "Ang dalawang iyang ang ace players ng DWCC sa nakalipas na dalawang season," seryosong sinabi ni Andrea habang nagsusulat sa kanyang notebook. "Hindi sila naglaro sa pinanood natin noon sa Divine College (DWCC) dahil nasu