NAKAHINGA nang maluwag si Ricky nang makita si Andrea na nasa likuran lang pala ng bench ng CU. Hindi pa kasi siya nakakapunta roon nang hinanap niya iyon kanina. Kalmado at nakangiting nilapitan ni Ricky ang dalaga na seryoso namang nakatingin sa court habang may hawak na notebook at ballpen. Naalala niya bigla ang chat ni Andrea sa kanya nang nasa labas siya kanina. "Busy k pla. Una n aq sa loob..." Napasabi na lang siya ng "Patay." dahil may angry emoticon pa itong kasunod na hindi naman niya alam kung bakit may ganoon. Isa pa, hindi na siya ni-reply-an nito nang subukan niyang i-chat ito. "Uy! Si Ricky Mendez ng CISA!" Biglang sinabi ng ilan sa mga manonood na naroon. Napatingin din tuloy sa kanya ang ilang nasa bench ng CU. Nailang si Ricky sa mga nangyaring iyon at nginitian na l