SABADO. Mga alas-otso pa lang ng umaga ay nagbihis na nga si Ricky dahil may pupuntahan siya ngayon. Pupunta siya ng CU para manood ng laban nito sa DWCC. Gusto niya uling mapanood ang paglalaro ng CU at ng DWCC. Ang DWCC ay ang huli nilang makakalaban sa darating na sunod na linggo. Pero bago iyon, sa darating na miyerkules ay ang St. Anthony College muna ang kanilang lalabanan. Lumabas na siya ng kanyang kwarto at nagpaalam na siya sa kanyang nanay na may pupuntahan siya. Alam ni Ricky na malakas ding team ang DWCC, lalo na ang dalawang bagong player ng mga ito na mula sa Maynila. Isa pa, nanatiling wala pa ring talo ang school na ito katulad ng CU. Malinaw na ebidensya iyon na pareho talagang malakas ang dalawang team na ito. Pagkasakay ni Ricky sa tricycle ay binuksan niya ang kan