NAPATINGIN si Coach Nate sa ginawa ni Mendez. Napaseryoso siya at napatingin sa bench ni Coach Erik. "Ano ang ginawa mo sa Ricky Mendez na iyan at ngayon ay may shooting na rin?" tanong ni Coach Nate sa sarili na hindi natutuwa sa nangyayari. "Ayusin ninyo ang paglalaro ninyo!" sigaw ni Coach Nate sa kanyang mga players sa loob ng court. Walang puwang sa larong ito ang humanga sa kalaban dahil may kakayahan ang kanyang mga players na pumuntos lahat. Ngayon, gusto niyang makita ang magagawa ng SW kapag wala ang dalawang scorer ng mga ito. Katulad din ni Coach Erik, gusto rin niyang makita kung ano ang kaya ng kanyang team kapag wala ang kanyang dalawang scorers na sina Cunanan at Romero. "At kung ano ang magagawa mo Ricky," winika pa nito habang seryosong pinapanood ang laro. Sa SW ang