MARAMI ang nagulat nang maipasok ni Ricky Mendez ang binitawan nitong three point shot. Ang ilang players nga na nanonood na nagmula sa ibang school ay napatayo sa pagpasok noon. Naroon si Reynold Martinez, ang star player ng St. Anthony College. Nang makita niya ang ginawang iyon ni Mendez ay hindi niya maiwasang ma-excite na makalaro uli ito. Naalala niya nang una niya itong makalaro, hindi niya makikita ang galing nito sa opensa pero kung hindi tsamba ang ginawa nitong tres nang mga sandaling iyon... Posibleng isa iyon sa pinapraktis nito! Napakuyom ng kamao si Reynold. Bukod sa gusto niyang talunin ang kanyang kaibigang si Macky, may isang dahilan pa siya para mas makaramdam ng excitement sa susunod nilang game. Gusto niyang malaman kung saan na nga ba ang naabot ng galing ni Ricky M