HINDI niya mapipigilan ang puso sa pagtibok nito. Wala siyang nagawa kundi sundin ito. Bumalik sa alaala ni Andrea ang sinabi niya kay Ricky sa nakaraang laro nito. Mananatili siya rito sa ups and downs nito! Umalingawngaw iyon sa kanyang sarili habang nagpapatuloy ang laro ng CISA at SW. Hindi na niya napigilang tumayo mula sa kanyang kinauupuan. Dinala siya ng kanyang mga paa sa likuran ni Ricky. Napakuyom siya ng kamao at naalala ang nakita niya sa IG ni Clowie. "Sorry Rio..." Ito ang nasambit ni Andrea habang naglalakad. Binasag ng kanyang imahinasyon ang litratong nagpalungkot sa kanya noong lunes. Ayaw niyang makita si Ricky na ganito. Ni wala siyang ideya kung bakit tila matamlay ang binata. Gusto niya itong batukan mula sa kinatatayuan niya. Gusto niya itong tanungin kung ano