NATAPOS ang unang quarter ng laro sa score na parehong 25. Ang mainit na suporta ng home crowd sa SW ay hindi matinag ng ilang taga-suporta ng CISA. Magkaganoon man, nanatiling solid ang maliit na crowd ng CISA para sa mga manlalaro nila. Kapwa nga ayaw magpatalo nina Macky at Rio sa pagpuntos nang quarter na iyon. Napapangisi na nga lang ang starplayer ng SW na si Umali dahil ito ang unang beses na makalaban niya si Romero na ganito katinding maglaro. Aminado si Rio na medyo nakakaungos ito sa kanya, pero hindi siya nagpatalo kahit na ganoon. Kada puntos ni Romero, pinipilit niyang makasabay rito. Isa pa, inspirado siya sa larong ito. Nanonood is Andrea at sinabi niyang para rito ang laro niyang ito. Naalala niya nga nang una silang magkita ni Andrea, iyon ay ang una niyang laro kontra