NAPAPANGITI na lang si Ricky habang tinitingnan ang conversations na nagaganap sa GC nila ng team CISA. Bidang-bida si Macky doon na nakita nina Reynan na may kasamang babae sa cafeteria. Naririnig nga iyon ni Ricky kanina habang siya ay naglalakad sa campus. Halos iyon nga ang topic ng karamihan. Lumabas na si Ricky ng campus, uuwi na siya. Ngunit maya-maya pa'y biglang may itim na kotse ang biglang tinigilan at binusinahan siya. Napatingin siya sa salamin ng kotse. Doon ay unti-unti nga iyong bumaba at doon ay isang babae ang bumungad sa kanya. Kilala niya ito. "Hi! Ricky?" sabi nito. Naaalala niya ito. Ito ang pinsan nina Andrei na si Clowie. "H-hi!" Iyon lang ang nasabi ni Ricky sa dalaga. Bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas mula roon si Clowie. Naka-shorts lang ito nang maikl