Bola 62

2561 Words

BINITAWAN ni Andrea ang bola mula sa kanyang mga kamay. Dumiretso iyon papunta sa basket. Pumasok iyon at hiningal siya matapos ang ilang minuto niyang pagsasanay ng shooting sa basketball court sa likod ng kanilang bahay. Tinakbo agad niya ang bola at pinatalbog iyon. Muli siyang humarap sa basket at doon ay tila may defender siyang nakikita sa kanyang isipan. Mabilis niyang pinatalbog ang bola habang tumatakbo. Kasunod noon ay ang bigla niyang paghinto. Sinundan kaagad niya iyon ng isang mabilis na paghakbang paatras ng kanyang kaliwang paa at pagkatapos ay tumalon siya. Tila napaatras pa ang pagtalon nito at doon niya binitawan ang isang jumpshot. Hindi iyon pumasok. Tumalsik nga palayo ang bola nang tumama ito sa dulong bahagi ng ring. "Ang sipag mo yatang mag-practice ate?" biglang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD