82-95 na ang iskor at may natitira na lamang apat na minuto bago matapos ang laro sa pagitan ng CU at CISA. Patuloy nga ang pagkalampag ng home crowd habang nagpapatuloy ang laro. Nakikita na nga nila ang tagumpay kahit hindi pa man natatapos ang laro. Unti-unti nang bumabagal ang galaw ng CISA at ang mga players ng CU, nanatiling consistent ang galaw. May isang beses ngang sa huling quarter na nagpalit ng players si Coach Wesley maliban sa Big 3 niya. Isa pa, dala ng kagustuhang makabawi ni Mendez kay Ibañez, nasira ang laro nito dahilan upang mahirapan ag CISA na makadikit sa score ng kalaban. Napapanood ng mga kaibigan ni Ricky ang laro niya. Sina Mike, Andrei at Roland ay nag-aalala sa kanilang kaibigan. Ni wala silang ideya kung bakit ganoon na kung maglaro ito. Naisip na lang nila