Bola 86

2600 Words

ILANG minuto ang lumipas sa unang quarter ng laro. Nanatiling dikit ang score ng magkalabang koponan. Nanatili ring maingay ang buong coliseum dahil sa init ng labang nagaganap. Apat na minuto bago tuluyang matapos ang unang quarter ay tumawag na si Coach Erik ng time-out. Iyon sa dahil nakikita niyang pagod na ang kanyang starting 5. Full-court press ang ibinibigay nila sa DWCC kaya mapapagod talaga ang mga ito. 24-25 ang score, lamang ang DWCC. Nang sandaling iyon at pawisan at medyo hinihingal sina Macky sa pagbalik ng mga ito sa bench. Pagkaupo ng lima ay mabilis na nagsi-inom ng tubig ang mga ito. Si Rodel, pagod na pagod dahil sa pagbabantay kay Williams. Si Reynan naman ay ganoon din, si Comia ay may outside shooting kaya napipilitan siyang iwanan ang ilalim ng basket. Si Kier,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD