KINALAMPAG ng lahat ng mga manonood na sumusuporta sa CISA Flamers ang buong coliseum nang pumasok ang tres ni Romero. Sa kabila naman noon ay kalmadong ipinasa ni Williams ang bola papunta kay Troy Agoncillo. "Masyado pang maaga bago mag-celebrate," wika ni Troy na biglang dinipensahan ni Kier. Doon na nga napatingin sa mga kasamahan niya ang point guard ng DWCC. "Full-court press," sambit ni Troy na maingat na pinatalbog ang bola. Si Kier naman ay naging madikit kaagad ang ginawang depensa upang mapilitang mas maging maingat ang kanyang binabantayan. Alam ni coach Erik na may kakayahan ang DWCC na tumira ng tres sa malayo at ang nakikita niyang paraan ang ganitong pangyayari ay ang depensahan kaagad ang mga ito pagkapasa pa lang ng inbound pass. "Pero kaya ba ninyo kaming sabayan? CI

