SA PAGPASOK ni Ricky sa loob ng court ay siyang pag-ingay ng mga manonood na hinihintay siya. Sa nakalipas na mga performance ni Ricky sa regular games ng CBL-- may mga manonood na humanga sa kanyang ipinakita. Sino ba naman ang hindi hahangaan ang isang player na kahit magkandasugat o magkaroon ng galos ay hindi nag-aalinlangang habulin ang bola? Matangkad man o kahit ang pinakamagaling na player ng koponan ay walang takot nitong binabantayan. "Idol! Ricky Mendez!" Bulalas ng ilan sa mga taga-CISA. "Galingan mo Mendez! Ikaw ang dahilan kaya kami nanood kahit laglag na ang school namin!" Sigaw naman ng mga taga-ibang paaralan. Tumakbo si Ricky sa pila ng kanyang koponan. Ipinagtinginan na siya ng mga kalabang team at tila isa siyang kaaway na dapat supilin nang mga oras na iyon. Napapan