TAHIMIK lang na umupo sa bench si Karlo nang matapos ang first half. Nakakaramdam siya ng pagod na makikita sa kanyang paghingal. Mabilis siyang uminom ng tubig matapos iyong iabot ng isa niyang kasamahan. Ininom niya kaagad iyon at pagkatapos ay tumingin sa scoreboard sa itaas. Napahigpit siya ng pagkakahawak sa tubigan na kung malambot ay siguradong mapipisa iyon. Kaso bigla na lang may tumapik sa kanyang balikat nang mga sandaling iyon. "Okay lang iyan, idol..." Sinabi iyon ng katabi niyang player na may numero na 1 sa likod ng jersey nito. "Sa basketball, hindi lang naman opensa ang basehan ng pagiging number 1. Hindi rin sa depensa..." "Hindi ba ikaw ang nagsabi sa akin na para maging magaling kailangang gumamit ng utak? Diskarte?" dagdag pa nito kay Karlo. Kumalma ang naiinis n