NAPANGISI na lang si Macky sa sinabi ni Ibañez. Narinig din iyon ni Ricky pero hindi niya iyon pinansin, bagkus ay nasa isip pa rin niya kung paano tatalunin si Karlo. "Mendez, ikaw muna ang bahala kay Ibañez," mahinang sinabi ni Macky kay Ricky habang nakatingin kay Ken Mendoza na kasalukuyang kinakausap ni Ibañez. Nang marinig nga iyon ni Ricky ay napaseryoso ito. Sa wakas ay mababantayan na niya nang masinsinan ang player na kating-kati na niyang bawian. "Ano'ng pinag-uusapan ninyo?" Bigla namang sumingit mula sa likuran si Kier. "Ikaw muna ang bumantay kay Rommel Alfante..." sambit ni Macky at tila pumabor naman si Kier doon. Isa pa, tila alam na nito ang gustong mangyari ni Romero. Si Cunanan ang nag-point guard nang magpatuloy ang game. Dito ay seryoso kaagad itong binantayan ni