HAWAK na muli ni Rommel ang bola. Hindi niya nagustuhan ang mga nangyari sa nakaraang possession nila rito. Natirahan siya at nagawa pang i-block. Lahat iyon ay ginawa sa kanya ng kanyang kuya. Napatingin siya sa position ng bawat kakampi niya. Ganoon pa rin, walang nagbago. Dito ay nagsimula na siyang gumalaw para lituhin ang defender niyang si Mendez, ngunit bago pa man iyon ay bigla na lang naglaho mula sa kanya ang bola. Napatingin na lang siya kay Mendez na biglaan siyang nilampasan. Isang steal mula kay Ricky ang nagpatahimik sa home crowd. Kasunod noon ay ang mabilis na pagtakbo nina Kier at Macky para suportahan ito. Ang CU team ay naging mabilis din sa pagdepensa. Kaso, medyo lamang ang unang tatlong players ng CISA sa pwestuhan dahil mabilis din ang mga ito. Si Rommel nga ay h