NAGPATULOY ang laro ng CISA at CU. Iba ang naganap nang magsimula an second quarter dahil hindi pinalaro ng CU ang kanilang star player na si Ibañez. Sa pagkakataong ito ay binigyan ni Coach Wesley ng tungkulin si Rommel Alfante na ito ang magmaniobra sa opensa ng kanilang koponan. Sinimulan nga ito ni Rommel sa isang hindi inaasahang pasa sa kanyang kakamping si Marquez. Maging si Ricky ay hindi rin inaasahan iyon. Sa pangyayaring iyon, ang home crowd nga ay nagsimula na naman ngang umingay. Matapos iyon ay kalmadong bumaba para sa depensa ang CU. Si Rommel ay inaabangan lang ang pagdating ni Mendez. Wala siyang balak agawan ito. Ang tanging nasa isip niya ay ang abangan ang gagawin nito. Alam niyang maalin lang kina Romero at Cunanan ito magpapasa. Isa pa, mahihirapan itong magbigay ng