NAIPASOK pa ni Rodel ang bonus freethrow dahilan upang bahagyang mag-ingay ang CISA fans kahit malaki pa rin ang lamang ng CU. 11-27 ang iskor at may natitira na lamang na apatnapung segundo sa first quarter. Si Rommel nga ang nagdala ng bola. Maging siya nga ay nagulat sa mga nangyari. May pumigil sa reverse lay-up ni Ibañez at may dumakdak sa kanilang malakas na sentro. Hindi niya maisip kung paanong naging ganito ang team ng kanyang kuya. Isa pa, nang magsimula ang CBL ngayong taon ay madalas niyang nakikitaan ang kanyang kuya na tila masaya ito. Iyon ang kaibahan nito sa nakalipas na tatlong taon ng CBL. Subalit kahit siguro mangyari ito ay kampante pa rin siyang mananalo sila. Isa pa, malaki ang lamang nila sa kalaban. "Relax lang tayo team! Lamang tayo!" Sambit ni Rommel na pinagm