BINITAWAN ni Cunanan ang isang fade-away jumper ngunit nag-alangan siya dahil sa masyadong madikit na depensa ni Rivera sa kanya. Wala siyang nasabi sa mga kakampi kundi ang rebound. Mabilis na nag-react sina Reynan at Zalameda doon. Tumama lang ang bola sa dulo ng ring at tumalbog iyon paitaas. Pupwesto na ang dalawang player ng CISA para kuhanin iyon ngunit tila dalawang tore ang humadlang sa plano nilang iyon. Sinandalan ni McHenry si Reynan at si Rojas kay Zalameda. Hindi makagalaw ang dalawa sa box-out na iyon. Doon nga ay naunang tumalon ang dalawang players ng CU at nahuli sina Reynan. Buong-lakas ngang dinakot ni Rojas ang bola sa ere at pagkalapag nito ay mabilis na ibinato sa tumatakbong si Rommel. Pagkasambot ni Rommel sa bola ay mabilis itong nabantayan ni Mendez. Ngunit na